Technical Workshop para sa FY 2027 Annual Investment Program, Isinagawa ng MPDO

Bilang paghahanda para sa pagbalangkas ng FY 2027 Annual Investment Program (AIP), nagsagawa ang Municipal Planning and Development Office ng isang Technical Workshop on Strategic AIP Formulation ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa Mayor’s Conference Room.

Dinaluhan ito ng mga LGU department at unit head at national agency head, upang matuto sa tamang paghahanda at pagbuo ng mga programa, proyekto, at aktibidad na isasama sa AIP para sa taong 2027.

Dito ay ginabayan ni MPDO head, EnP Ryan James Nicholai L. Dizon, ang mga kalahok sa paghahanda at pagbuo ng mga programa at proyektong makatutugon sa pangangailangan ng komunidad. Tinalakay rin ang mga proseso sa paglalaan ng pondo, paghahanda ng mga plano, pagsubaybay sa mga proyekto, at pagsunod sa mga alituntunin ng Commission on Audit (COA).

Sa talakayang ito, pinagtibay ng MPDO ang proseso ng planning at investment programming ng LGU upang masiguro na ang mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad ay istratehiko, results-oriented, siguradong maiimplementa, at nakahanay sa aprubadong CDP, LDIP, at iba pang mandated plans ng gobyerno.

Sa gawaing ito, patuloy na pinatitibay ng lokal na pamahalaan ang mahusay na pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Bayambang at kapakanan ng mga mamamayan. (MADL/RSO; AG)