Isang technical briefing ang isinagawa ng Department of Agriculture-Regional Field Office I noong November 7, 2024 para sa gagawing Corn Model Farm sa Brgy. Bani.
Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga magmamais para sa isasagawang 50-hectare model farm.
Ang model farm ay isang proyekto ng DA-RFO 1 Corn Program upang mapataas ang produksyon ng mais bilang isa sa mga importanteng pananim sa bansa. (RCT/RSO; MAO)