Ang Bayambang basketball team ay kasalukuyang nag-eensayo sa Bayambang National High School para sa kanilang pagsali sa Governor’s Cup Basketball Tournament.
Ang mga kabataang atleta ay nagte-training sa ilalim ni G. Sherman Castillo, Henry Mibalo at Dennis Aldrin Malicdem sa gabay ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council gamit ang pondo ng MPFSDC.
Sinagot naman ni Mayor Niña ang meals ng mga atleta at trainors kada matapos ang training.
Nakatakdang sumabak sa kumpetisyon ang team sa darating na Nobyembre 21 sa kapitolyo. (RSO; DARM)








