Tatlong estudyante mula sa Bayambang National High School ang nag-uwi ng anim na parangal sa iba’t ibang kategorya, sa ginanap na 2nd Pangasinan IT Challenge dito sa Bayambang noong March 6, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Sila ay sina:
– Dallin Jeff Escaño Moreno, 1st Place sa eTOOL EXCEL, 1st Place sa eTOOL POWERPOINT, at 3rd Place sa eLIFE MAP
– Jeremy Miguel Gilmo Junio, 2nd Place sa eTOOL POWERPOINT
– Joseph Lenor Patungan Maniling, 3rd Place sa eTOOL POWERPOINT at 3rd Place sa eCONTENT
Dahil dito, naging overall champion ang Bayambang National High School – Inclusive Education Program.
Kasama ng mga nagwagi ang kani-kanilang mga coaches na sina Mr. Raffy Carungay, Ms. Angelus Ferrer, at Nancee P. Maniling; BNHS Principal IV, Dr. Olive Paragas Terrado; Bayambang I PSDS, Dr. Longino Ferrer; at ang LGU coach na si LYDO Johnson R. Abalos, kasama si MSWDO Kimberly Basco.
Ang IT Challenge ay naglalayong makapagbigay ng plataporma sa mga talentadong youth with special needs upang maipamalas ang kanilang kahusayan sa larangan ng information technology. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)