Muling nag-uwi ng karangalan ang mga estudyanteng Bayambangueño, matapos ang mga ito ay magwagi sa ikatlong taon ng Pangasinan IT Challenge for Youth with Disabilities.
Sila ay sina Lina A. Junio (hard of hearing), na first placer sa ELife Map (Web Browsing), Jake Adam Fontanilla (ASD), na second placer sa ETool Powerpoint at third placer sa ETool Excel, at Kyle Jared Aguirre (ASD), na third placer naman sa EContent Videomaking
Sila ay pawang mga estudyante ng Bayambang National High School (BNHS).
Ang koponan ay sinamahan at inasistehan sa kapitolyo ni Mr. Rafael Carungay, BNHS Inclusive Education Coordinator bilang coach, at Persons with Disability Affair Officer, Mr. Johnson Abalos, bilang LGU coach. (RSO; PDAO)