‘Team Bang’ ng BPSO, Trim ‘n Triumph Grand Winner!

Itinanghal na grand champion sina Ferdinand Ramos at Menmar Bravo ng ‘Team Bang’ mula sa Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa katatapos na Trim ‘n Triumph Weight Loss Challenge ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa ginanap na awarding ceremony noong August 5, 2024, matapos ang flag ceremony.

Nagtagumpay ang dalawa sa anim na buwang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng physical activity at pag-iwas sa unhealthy habits. Sila ang duo na nakapagtala ng may pinakamataas na weight loss at fat loss, kung kaya’t sila rin ang nag-uwi ng tumataginting na P100,000 na mula sa sariling bulsa ng alkalde.

First runner-up naman ang Team Leviathan na kinabilalangan nina Joseph Malicdem at Ryan Cayabyab (BPSO) na tumanggap ng P30,000, at 2nd runner-up ang team na kinabibilangan naman nina Sheina Mae Gravidez at  Andrew Casipit (MTICAO) na nag-uwi ng P20,000.

Nagbigay kasiyahan sa mga kalahok ang mga special awards, kung saan nanalong winning team sina Ms. Nora Zafra at Ms. Princesita Sabangan na parehong mula sa ‘Team Maba’ sa kategoryang “Kinaya pa rin Award.”

Tumanggap naman si G. Joseph Malicdem mula sa Team Leviathan ng cash na nagkakahalaga ng P4,000 at dalawang certificate para sa mga kategoryang “Taba-Taba Award” at “Tinimbang Ka Ngunit Kulang Award.”

Ang patimpalak ng inorganisa ng Trim ‘n Triumph Technical Working Group at pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at ng Municipal Nutrition Action Office sa ilalim ni MNAO Venus Bueno. (VMF/RSO; AG)