Teaching and Non-teaching Personnel sa Bayambang, Dumalo sa In-Service Training bilang Parte ng 2024 World Teachers’ Day Celebration

Matagumpay na naisagawa ang isang In-Service Training para sa mga guro at kawani sa Bayambang na mula sa pribado at pampublikong paaralan bilang bahagi ng selebrasyon ng World Teachers’ Day noong October 3, 2024 sa The Tent sa likod ng JKQ Medical and Wellness Center.

Aabot sa 1,774 na mga guro at kawani ang nagsama-sama sa nasabing training.

Si Dr. Niño D. Naldoza, Associate Dean ng Philippine Normal University at miyembro ng faculty of Education and Information Sciences, ang naging speaker sa training.

Ibinahagi ni Naldoza ang kanyang mga kaalaman at kasanayan sa larangan ng edukasyon batay sa temang, “Rekindling the Passion for Teaching in the Age of Artificial Intelligence (AI).”

Ayon sa kanya, “ang AI ay maaaring magbigay ng suporta sa mga guro sa maraming paraan, subalit lagi nating tatandaan na ang mga guro ay higit pa sa kung ano ang magagawa ng teknolohiya.”

Dinaluhan siyempre ang nasabing okasyon nina Mayor Niña Jose-Quiambao, SATOM, Dr. Cezar T.  Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at mga konsehal na sina Hon. Mylvin T. Junio, Hon. Benjie de Vera, Hon. Jose Ramos, Hon. Martin Terrado II, at SK President Mariane Cheska Dulay.

Ang in-service training ay nagsilbing pagkakataon para sa mga guro at kawani na mapaunlad ang kanilang mga kakayahan at kaalaman upang mas lalo pang mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral sa Bayambang. (Angel P. Veloria, Patrick Darius Salas, Angela Suyom/RSO; Rob Cayabyab, AG)