Ang mga Internal Quality Auditors ng LGU-Bayambang na sina Charmaine Bulalakaw, Dale Tabion, at Quenelyn Asuncion ay matagumpay na nakapasa sa Lead Auditors Training Qualifying Examination na isinagawa sa ilalim ng QFS Systems Certifications Inc., isang accredited certifying body ng Standard Council of Canada.
Kanilang pormal na tinanggap ang sertipiko ng pagpasa noong June 13, 2025 sa Crimson Hotel, Filinvest City, Manila.
Bilang pagkilala sa kanilang kakayahan, sila rin ay nabigyan ng pagkakataong mapasama sa pool of external auditors ng naturang ahensya.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng kanilang personal na pagsisikap kundi patunay rin ng matatag na suporta at makabuluhang pamumuno ni Mayor Niña at nang buong lokal na pamahalaan.
Kasama rin sa nasabing kaganapan si Mr. Ricky Bulalakaw at ang grupo ng Neo Amca na nagsilbing ISO consultant ng LGU Bayambang at patuloy na gumagabay at sumusuporta sa buong ISO journey ng pamahalaang lokal.
Isang tunay na inspirasyon ang tagumpay na ito para sa buong LGU, at patunay na ang patuloy na pagsuporta sa kapasidad ng mga kawani ay may kongkretong bunga para sa institusyon at sa mamamayan.
Mula sa inyong LGU family, congratulations!