Ang Bayambang Animal Shelter ay matagumpay na nagpaampon at nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng sariling fur-ever parent ang tatlong pusa. Noong Hunyo 22 at 23, tatlong adoptive parents, kabilang ang isang personnel ng PNP Bayambang, ay masayang nag-uwi ng kanilang fur-ever pet. Ang mga shelterd cats na ito ay nakatanggap ng anti-rabies vaccination, deworming at neutering upang masiguro na sila ay healthy at safe alagaan, at upang maiwasan ang di inaasahang pagdami ng mga ito.
Ang matagumpay na adoption na ito ay sumasalamin sa tunay na layunin ng Bayambang Animal Shelter—ang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ligaw, inabandona, at napabayaang hayop. Layunin din ng Bayambang Animal Shelter na mahanapan ng mga responsableng pet owners na handang magmahal at magbigay ng panghabambuhay na tahanan ang mga ito.
Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang suporta ng ating Municipal Mayor, Mayor Niña Jose Quiambao. Dahil sa kanyang malasakit at pagmamahal sa kapakanan ng mga hayop, naitatag ang Bayambang Animal Shelter na nagsilbing ligtas na kanlungan para sa mga hayop na nangangailangan ng tulong at proteksyon. Ang kanyang suporta ang naging daan upang mas marami pang buhay ng mga hayop ang mailigtas at mabigyan ng pag-asa.



