Task Force Kaluluwa, Abala sa Undas 2024; Guico-sina, May Libreng Sopas sa mga Dadalaw sa Sementeryo

Muling inactivate ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Task Force Kaluluwa sa taong 2024 upang siguraduhing maayos at ligtas ang pagdalaw ng mga Bayambangueño sa kani-kanilang namayapang mahal sa buhay sa tatlong sementeryo sa bayan, ang Bayambang Public Cemetery at ang pribadong sementeryo na Hands of Heaven Memorial Park at Forest Lake.

Para rito, nag-issue ang Task Force na pinamumunuan ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, ng mga alintutunin, kabilang ang pagbabawal sa pagdala ng armas, atbp. at mga temporary restriction sa trapiko.

Nauna nang nagkaroon ng serye ng pagpupulong, kabilang na ang emergency meetings, face-to-face at online, upang maplantsa ang mga detalye, at inannounce sa social media ng MTICAO ang mga dapat mabatid ng lahat.

Nauna na ring nagcean-up drive ang staff ng SEE at Solid Waste, sabay paalala ukol sa proper waste disposal at waste segregation.

Sa mismong mga araw ng Undas, nag-set up ng tents para sa entrance at exit posts kung saan may mga nakaantabay na security personnel, MDRRM staff, at RHU medics.

Sa gabay ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino, ang Task Force Kaluluwa ay kinabilangan ng MDRRMO, BFP, PNP, mga RHUs, BPSO, SEE, ESWMO, Engineering, concerned barangay officials, Samahan ng Barangay Kagawad sa Balon Bayambang Pangasinan Inc. bilang force multipliers, at mga supporting departments at units ng LGU.

Samantala, nagpadala si Governor Ramon Guico III ng mainit na lomi sa mga dadalaw sa sementaro sa pamamagitan ng ‘Guico-sina’ ng provincial government. (RSO; Task Force Kaluluwa members; JMB)