Ang Task Force Displina ay muling nagpulong noong July 7, 2026, sa Mayor’s Conference Room upang talakayin ang iba’t ibang isyu. Kabilang dito ay ang pagtukoy sa mas ligtas na paraan ng pagtawid ng mga estudyante mula Bayambang National High School upang marating ang Tricycle Terminal.
Pangalawa ay ang pagsasaayos sa paradahan at ng mga exit at entrance sa loob ng Tricycle Terminal at ang pagpapanatili ng maayos at organisadong parking area.
Ikatlo ay ang pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng Public Plaza, partikular na ang pagsasaayos ng palikuran at ang pag-inspeksyon sa likuran ng Bayambang Commerical Strip.
Pinangunahan ang pulong nina BPSO OIC, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at TFD Operations Chief, Amory Junio. (RSO; AG)







