Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Cezar T. Quiambao bilang Chairman ng Task Force Disiplina at Mayor Nina Jose-Quiambao, matagumpay na naipamahagi ngayong araw, Mayo 13, 2026, ang mga bagong uniporme sa mga opisyal at miyembro ng Task Force Disiplina.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisyatiba nina 1LT. Amory M. Junio, TFD Deputy, at Atty. Rodelynn Sagarino Vidad, BPSO OIC.
Ang nasabing bagong uniporme ay sumisimbolo sa mas pinaigting na kampanya para sa kaayusan, disiplina, at kaligtasan ng mamamayan.
Lubos namang ikinatuwa ng mga miyembro ang pagtanggap ng bagong kasuotan na magsisilbing pagkakakilanlan nila habang nagsasagawa ng mga operasyon at programa para sa kapakanan ng publiko. (JFDV/RSO; TFD)


