Task Force Disiplina, Magtitiket na sa Lahat ng Violators simula Oktubre 1!

Muling nagpulong ang Task Force Disiplina (TFD) upang mag-update ukol sa progreso ng istriktong implementasyon ng mga batas ng mga miyembro ng TFD, sa pamumuno ni Dr. Cezar T. Quiambao.

Ipinatawag ang mga PBs ng 77 na barangay upang igiit ang paghingi ng kanilang buong suporta sa implementasyon ng lahat ng mga ordinansa, mapa-nasyunal na o lokal.

Tinalakay din ang mga update ukol sa bagong rerouting plan sa sentro ng bayan.

Matapos nito ay pinag-usapan naman ang action plan ng Office of the Special Economic Enterprises laban sa mga illegal vendors, pati na rin ang pagkakaroon ng isang demerit system para sa mga non-compliant na vendors sa Bagsakan at Pamilihang Bayan.

Tinalakay naman ng SEE, Engineering Office, at ESWMO ang kanilang mga aksyon laban sa ilegal na pagtatapon ng basura.

Pinag-usapan na rin ang 10-year plan ng ESWMO, at ang mahigpit na implementasyon ng no plastic policy sa Bayambang.

Nag-update din sa pulong ukol sa estado ng lahat ng mga infrastructure project sa mga barangay, sabay paalala sa mga kapitan na ang mga contractor sa lahat ng mga naturang pryekto ay dapat na nagbabayad ng mga applicable tax.

Sa huli, inanunsyo ng TFD na sa darating na Oktubre 1, 2025, magsisimula nang magticket ang mga miyembro ng task force sa lahat ng violators. (VGC/RSO; AG)