Opisyal na inilunsad noong araw, Agosto 1, 2025, ang Task Force Disiplina sa bayan ng Bayambang na pinangunahan ni Dr. Cezar T. Quiambao, Special Assistant to the Office of the Mayor at Chairman ng Task Force, sa isang pormal na programa.
Layunin ng Task Force Disiplina na mapanatili ang kaayusan at disiplina sa buong bayan sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagpapatupad ng mga batas na dapat ay mahigpit nang sinusunod noon pa, at pagpataw ng karampatang parusa nang walang kinikilingan sa sinumang lalabag sa mga ito.
Kabilang ang mga ahensyang makikipagtulungan sa TF Disiplina ang Highway Patrol Group, PNP, LTO, at mga miyembro ng Philippine Army. Ang kanilang deployment ay nakatuon sa mga piling lugar sa Bayambang na direktang tumutunton sa mga daan patungong sentro ng bayan.
Ilang piling mga empleyado ng LGU ang na-deputize upang makapag-isyu ng ticket sa mga violator.
Naroon siyempre sa paglulunsad sina Task Force Field Operations Team Leader, Col. Leonardo F. Solomon (Ret) PA, TF Disiplina Vice-Chairman, Lt. Amory Junio (RES) PA, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, TFD Chief Adjudicator, Atty. Czarina Cherizze Martinez-de Vera, at kanilang mga tauhan.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng Task Force Disiplina, mas magiging isang ligtas at maayos na bayan ang Bayambang para sa lahat ng mga Bayambangueño. (VMF/RSO; JMB)











