Task Force Disiplina Atbp., Tinalakay sa ManCom Meeting

Bilang bahagi ng patuloy na pagtutok sa mahusay na pamamahala, muling pinangunahan ni Dr. Cezar T. Quiambao, Special Assistant to the Mayor (SATOM), ang Management Committee (ManCom) Meeting nitong Hulyo 30, 2025, sa Mayor’s Conference Room (MCR).

‎Sa pulong, tinalakay ang kasalukuyang estado ng mga malalaking imprastruktura sa bayan—mga natapos, isinasagawa, at mga naka-lineup pang proyekto. Kasama rin sa agenda ang ilang operational concerns mula sa frontline services, at mga panukala para sa mas sistematikong pagpapatupad ng barangay-based programs.

‎Isa sa mga tinutukan na usapin ang nalalapit na paglulunsad ng Task Force Disiplina, na nakatakdang umarangkada sa unang araw ng buwan ng Agosto. Ang inisyatibong ito ay nakabatay sa Executive Order No. 74, s. 2025, na ipinalabas ni Mayor Niña noong Hulyo 16, 2025, na nagtatakda ng mga piling lugar sa bayan bilang ‘Discipline Zones.’

‎Layunin nitong paigtingin ang pagpapatupad ng mga ordinansa sa kaayusan, kalinisan, at disiplina sa komunidad. (RGDS/RSO; AG)

‎#TotalQualityService

‎#NiñaAroTaka