Ang Task Force Disiplina (TFD) ay nakipagsanib-puwersa sa Land Transportation Office (LTO) upang maging mas maayos ang implementasyon ng lahat ng batas-pambansa at lokal na ordinansa.
Unang tinalakay ng Task Force ang deputization ng LGU personnel, at ito ay sinundan ng pagtalakay ng pagbibigay ng LTO, sa pamumuno ni LTO-Bayambang OIC Chief Ma. Dolores Soliven, ng mga training at seminar ukol sa driver’s education, lalo na ang tungkol sa traffic laws, road safety, at proper driving practices.
Pinag-usapan din ang pagkakaroon ng official Facebook page ng TFD upang doon maglahad ang taumbayan ng lahat ng kanilang suhestiyon, komento, at reklamo.
Natalakay din ang kasalukyang penalty rates at ang napipintong pagrepaso sa mga ito ng Sangguniang Bayan. (RSO; JMB)





