Tagumpay ng PSU Nursing Students sa Research, Tampok sa 2Q MNC Meeting

Sa second quarter na pulong ng Municipal Nutrition Committee (MNC) ngayong araw, Mayo 8, 2025, sa RHU I Conference Room, naging sentro ng talakayan ang pag-presenta ng mga PSU-Bayambang Campus nursing students ng kanilang winning research entry sa ginanap na 24th Regional Nursing Research Congress sa Baguio City.

Ayon sa mga PSU-Bayambang Campus Institute of Nursing student-researchers na sina Edelyn M. Garcia, Glaiza W. Seguin, Krystal Gaile L. Ballesteros, Anne Jaycel M. Rodriguez, at Shaira Lei J. Cayabyab, ang kanilang entry ay tungkol sa masamang epekto ng pagbigay ng matatamis o sweets ng sobrang aga sa mga toddlers. Ito ay may titulong, “Pre-Bite Glucose Guide: Feeding Practices and Holistic Health Consquences of Sugar Pre-Intake Among Toddlers.” Ito ay itinanghal bilang Best Podium Presenter awardee sa 24th Regular Nursing Congress na ginanap noong May 3, 2025 sa Baguio City.

Sa nasabing pulong, nagbahagi ng bawat miyembro ng MNC ng kanilang mga nagawa sa unang quarter ng 2025, kasama ang mga detalye ng kanilang mga programang may kinalaman sa nutrisyon. Kasama rin sa presentasyon ang kanilang mga plano para sa susunod na mga buwan, na naglalayon na mapabuti pa ang mga serbisyo at maabot ang mas maraming mamamayan.

Naging mahalagang bahagi rin ng pulong ang pag-uulat sa estado ng pagpapatupad ng mga national program ng gobyerno, partikular na ang Operation Timbang Plus (OPT) at at ang Philippine Multi-Sectoral Nutrition Program (PMNP) at ang mga lokal na programa tulad ng Municipal Nutrition Action Plan (MNAP) 2025.

Ang pulong ay inorganisa ng Municipal Nutrition Office, at pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at ilang national agency at LGU department heads.

Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang mas maging epektibo ang mga program at nagplano ang rin sila ng mga susunod na hakbang upang mas mapabuti pa ang kalusugan ng bawat Bayambangueño. (VMF/RSO; larawan nina: Camila Garin/JMB)