Symposium, Libreng Pampering Services, Handog sa mga Kababaihan ng LGU

Bilang parte ng paggunita sa Buwan ng Kababaihan, isang symposium para sa mga babaeng kawani ng LGU ang isinagawa ngayong araw, March 20, 2025, sa Balon Bayambang Events Center ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Gng. Nora R. Zafra.

Naimbitahang speaker si Mayor’s Action Center head, Social Welfare Officer III Josie E. Niverba, upang talakayin ang paksang “Building Confidence.”

Matapos nito ay naglaan naman ng ilang oras na “me-time” ang HRMO sa mga kawani, kung saan sila ay nag-avail ng libreng haircut, back massage, manicure, at pedicure.

Pagkatapos nito ay nagsama-sama naman ang mga kababaihan sa isang Zumba dance exercise.

Sa taunang aktibidad na ito, naipapakita ang pagpapahalaga ng pamahalaang lokal sa bawat babaeng kawani na araw-araw ay binabalanse ang mga tungkulin sa opisina kasabay ng iba pang gampanin sa buhay gaya ng pagiging ina at maybahay. (RSO; AG, JMB)

#TeamQuiambalSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka