Symposium, Libreng Pampering Services: Handog sa mga Kababaihan ng LGU

Bilang parte ng paggunita sa Buwan ng Kababaihan, isang symposium para sa mga kababaihan ng LGU ang inorganisa noong March 8, 2024, ng HRMO sa Events Center. Naimbitahang speaker si MSWD Officer Kimberly Basco upang talakayin ang iba’t ibang paksa ukol sa women empowerment.

Pagkatapos nito, naghandog naman ang HRMO ng libreng pampering services sa mga kababaihang kawani, kabilang ang haircut, back massage, manicure, at pedicure.

Sa simpleng bagay na ito, naipakita ng HRMO ang pagpapahalaga ng gobyernong lokal sa bawat babaeng kawani ng pamahalaan na araw-araw ay binabalanse ang mga tungkulin sa opisina kasabay ng iba pang gampanin sa buhay gaya ng pagiging ina at maybahay. (ni Eduardo P. Sison II/RSO; JMB)