Sa buwanang pagpupulong ng mga Barangay Secretary na ginanap ngayong araw, ika-11 ng Pebrero 2026, sa Covered Court ng Brgy. Zone VII, tinalakay ni MENRO Ma-Lene S. Torio ang hinggil sa Solid Waste Management (SWM) fees, gayundin ang mahahalagang probisyon ng mga lokal na ordinansa, kabilang ang Municipal Ordinance No. 19, s. 2017 at Municipal Ordinance No. 01, s. 2024.
Matatandaang ang M.O. 19 ay nagreregula sa paggamit ng single-use plastics at styrofoam sa bayan ng Bayambang, at ang M.O. 01 naman ay tumutukoy sa ‘Bali-balin Bayambang’ program at Tapat Ko, Linis Ko.’
Binigyang-diin ang wastong pagpapatupad ng mga alituntunin upang higit na mapalakas ang disiplina at partisipasyon ng bawat barangay sa pamamahala ng basura.
Naging makabuluhan ang pagpupulong sa pagtalakay ng mga kinakailangang SWM reports na dapat maihanda at maipasa ng bawat barangay.
Layunin ng pagtitipon na higit pang paigtingin ang koordinasyon ng mga barangay at ng lokal na pamahalaan tungo sa mas episyente at sustenableng pangangasiwa sa basura at pangangalaga sa kapaligiran. (EWMO/RSO; ESWMO)



