Switch Cafe, MNAO, Naglunsad ng Feeding Program para sa mga Batang Kulang sa Timbang

Sa kagustuhang makatulong tugunan ang malnutrisyon sa mga kabataan, nagkaisa ang Switch Cafe at Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa paglulunsad ng isang feeding activity para sa 42 batang kulang sa timbang mula sa tatlong child development centers.

Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, September 4, 2025, sa Brgy. Macayocayo, kung saan may 10 batang benepisyaryo; Langiran, 9 na bata; at Alinggan, 13 na bata.

Mga batang edad 3–5 taong gulang ang nakatanggap ng masusustansyang pagkain.

Plano ng Switch Cafe at Municipal Nutrition Office na palawigin ang programa sa iba pang barangay at magsagawa ng quarterly health monitoring sa mga bata.

Sa pamamagitan ng ganitong pagtutulungan, inaasahang mababawasan ang kaso ng malnutrisyon at mabibigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan. (VMF/RSO; photos: MNAO, Switch Cafe)