Sa isang outreach program ng Switch Cafe, katulong ang Municipal Nutrition Action Office, ngayong araw, Oktbure 29, 2025, sila ay nagpakain sa mga undernourished na kabataan mula sa walong barangay ng mga masasarap at masustansyang pagkain na produkto mismo ng nasabing restaurant.
Kabilang sa ipinamahagi ng Switch Cafe, sa pangunguna ng may-ari nito na si Ms. Lyra Pamela Duque, ang pumpkin soup, chicken fingers, alfredo pasta, at fruit juice.
Ginanap ang food treat sa Brgy. Wawa Covered Court at Brgy. Warding Covered Court, at ito ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa Brgy. Wawa, Warding, Pugo, Tampog, Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Managos, at San Vicente. (RSO; photos: MNAO)











