Sweldo ng 1,000 Benepisyaryo, Tinanggap sa Isa na namang TUPAD Payout

May mahigit na 1,000 na Bayambangueño ang nakatanggap ng kanilang sahod sa payout activity para sa Tulong Panghanap-buhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na ginanap ngayong araw, Hunyo 26, 2025, sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Bawat benepisyaryo mula sa mga sektor ng parents ng malnourished children, indigent psychiatric at hemodialysis patients, at teenage parents ay nakatanggap ng P4,680 cash para sa sampung araw na pagtatrabaho sa kani-kanilang barangay.

Ang programang TUPAD ay naglalayong magbigay ng emergency employment sa mga lubos na nangangailangan.

Naging posible ito sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa opisina ng Department of Labor and Employment at kay Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas.

Naging punong-abala ang Public Employment Service Office (PESO) sa nasabing aktibidad. (RSO; AG)