SVF Prayer Park, Municipal Museum, Naging Kabilang sa Familiarization Tour ng DOT-TPB!

Unti-unting nagbubunga ang mga malalaki at kakaibang proyekto nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao sa larangan ng turismo!

Ang Tourism Promotions Board (TPB) – Philippines ng Department of Tourism ay nag-tour sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Bayambang Municipal Museum kahapon, Agosto 29, bilang panghuling destinasyon ng kanilang Domestic Tourism Invitational Program para sa Ilocos Region.

Ang programa ay isang familiarization tour na nagdadala ng iba’t ibang tour operators at travel agents upang maranasan ang isang kakaibang cultural tour sa Ilocos Region kabilang ang probinsya ng Pangasinan, at ibenta ang naturang tour sa mga turista.

Ang familiarization tour ay nag-umpisa sa mga bayan ng Ilocos Norte, at ang bayan ng Bayambang ang panghuling stop ng nasabing byaheng pangturismo.

Ang mga bisita ay winelcome at sinamahan ng Tourism Office staff, kabilang sina Moises Palisoc at Angel Veloria ng Municipal Museum na siya ring nagsilbing tour guide. (RSO; AG)