Supplemental Budget ng LGU, Aprubado ng SP!

Matagumpay na naipagtanggol ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang mungkahing resolusyon na “Pag-apruba sa Supplemental Annual Investment Program No. 1” na pormal na inendorso ng Municipal Development Council (MDC) sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 1, Serye ng 2025 na may kabuuang halagang Apat na Raan at Limampu’t Apat na Milyon, Animnaraang Sampung Libo, Dalawangdaan at Walumpu’t Lima at 32/100 piso (Php 454,610,285.32) ngayong araw sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, Lingayen, Pangasinan. (SB/RSO; SB)