Suporta sa Sektor ng Edukasyon, Patuloy

Patuloy ang pagbibigay ng suporta ni Mayor Nina Jose-Quiambao sa sektor ng edukasyon, sa pamamagitan ng Local School Board (LSB) gamit ang Special Education Fund.

Nitong September 23, itinurn-over ng LSB ang isang photocopier machine, na may kasamang isang toner cartridge (good for printing 9,000 copies) at isang drum cartridge (good for 60,000 copies) sa DepEd Bayambang II, na malugod na tinaggap ni PSDS, Dr. Candra Penoliar.

Ang bagong school equipment, kasama ang printer ink, ay nagkakahalaga ng P89,000. (RSO; LSB)