Isang mercantile o commercial fire ang naganap kahapon ng hapon, ika-24 ng Abril, sa bodega ng Jinsan Marketing sa Brgy. Zone I, Bayambang, na pagmamay-ari ni Ms. Ana Tan.
Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection, iniulat ng manager ng naturang establisimyento na may narinig umano itong pagsabog sa ikalawang palapag ng gusali na sa mga oras na iyon (dakong 4:00 hanggang 5:00 ng hapon) ay walang tao.
Ipinagbigay alam agad ng isang residente ang insidente ng sunog sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono sa Bayambang Fire Station na agad naman nilang binigyang aksyon.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, itinaas ang pangalawang alarma kung saan kinailangan ang pagresponde ng iba pang istasyon mula sa mga kalapit-bayan, kaya’t dagling nagsadya rito ang mga fire truck ng Malasiqui, Bautista, at San Carlos Fire Station, na siyang malaki ang naitulong upang tuluyang mapuksa ang sunog. Sumaklolo rin ang dalawang fire truck ng isang Chinese merchant fire fighting volunteer group mula Rosales, Pangasinan.
Dahil sa agarang aksyon ng Bayambang Fire Station at mga fire station ng kalapit-bayan at ang pribadong volunteeer group, at walang naitalang casualty, at walang ibang establisimyento ang nadamay, ngunit naitala ang initial estimated damage na umabot sa P1,600,000.
Kasama sa mga mabilis na nagresponde ang mga miyembro ng PNP-Bayambang, MDRRMO, at BPSO. (ni: Sharlene Joy G. Gonzales/RSO, base sa ulat ng BFP-Bayambang at MDRRMO-Bayambang; larawan: BFP)