Agarang naapula ang nangyaring sunog noong May 9, sa Brgy. Bacnono. Bukod sa mabilisang aksyon ng Bayambang Fire Station at iba pang ahensya at departamento, agaran din itong naapula sa tulong ng iba’t-ibang fire stations mula sa ating kalapit-bayan.
Agaran ding naihatid ng MDRRMO ang mga naapektuhang residente sa kanilang mga kamag-anak upang doon pansamantalang manirahan.
Nagsagawa naman ng agarang assessment ang MSWDO at namahagi na rin ang team ng food packs.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog na nagtupok sa dalawang kabahayan (totally damaged), at nandamay ng dalawa pa (partially damaged).
Muli, pinag-iingat ang publiko na alamin ang mga maaaring pagmulan ng sunog upang maiwasan ang anumang peligro.
(nina Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: MSWDO)