Summer Dance Camp, Umarangkada!

Nag-umpisa na ang libreng Summer Dance Camp para sa ballet and hip-hop dance noong Abril 14 at 15, 2026 sa dance studio ng LGU sa ikatlong palapag ng MSWDO Bldg. A, Brgy. Magsaysay.

Ang Summer Dance Camp ay inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Local Youth Development Office, at Municipal Social Welfare and Development Office, sa kagustuhan ni Mayor Niña Jose-Quiambao na bigyan ng makabuluhang aktibidad ang mga kabataang Bayambangueño sa panahon ng summer, para mapayabong ang lokal na kultura at para na rin mapangalagaan ang kanilang mental health.

Nagsilbing dance instructor sina Perry Sevidal sa ballet at John Jeremy Ong sa hip-hop dance.

Si Sevidal ay isang respetado at batikang company member ng Ballet Philippines, at si Ong ay isang male pageant enthusiast at hiphop dance coach sa isang dance studio sa Urdaneta City.

Binisita ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang mga unang araw ng kada dance workshop, upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe.

Nakatakdang magkaroon ng recital ang mga kalahok sa huling linggo ng Mayo. (RSO; RHOB)