Stray Animals, Patuloy na Nahahanapan ng Adoptive Parents ng Local Shelter

Patuloy ang Bayambang Animal Shelter sa pagkalinga sa mga stray pets na aso at pusa, matapos itong makahanap ng mga bagong adoptive fur parents sa mga alagang napabayaan at natagpuan na lamang na pagala-gala kung saan-saan. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga at paghahanap ng responsableng mga tagapag-ampon, nabibigyan ang mga ito ng pagkakataong magkaroon ng ligtas, maayos, at mapagmahal na tahanan.