Isinagawa ngayong araw, ika-10 ng Hulyo 2025, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang presentasyon ng State of Local Governance Summary na may layuning masukat, masuri, at mapahusay pa ang pamamalakad ng pamahalaang lokal para sa kapakinabangan ng bawat Bayambangueño.
Sa gabay ng Municipal Local Government Operations Office at sa pag-oorganisa at preparasyon ng Municipal Planning and Development Office, ang presentasyon ay tumuon sa limang pangunahing aspeto ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan: Social Governance, Economic Governance, Environmental Governance, Peace and Order Governance, at Financial Administration.
Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at presentasyon ng mga datos mula sa bawat sektor, mas mapapabuti pa ang mga programang direktang makakaapekto sa kalidad ng buhay ng bawat Bayambangueño. (KB/RSO; JMB)












