Bumisita noong July 14, 2025, ang Department of Tourism-Region I (DOT-RO1) at Department of Trade and Industry (DTI) sa St. Vincent Ferrer Prayer Park upang mag-inspeksiyon at kumustahin ang lagay ng pasilidad bilang isa sa mga posibleng tourist attractions sa lalawigan ng Pangasinan na parte ng Creative Tour Project ng mga naturang ahensya.
Ang mga bisita ay pumasyal din sa PSU-DOST Food Innovation Center.
Layon ng naturang collaborative project na mapatingkad ang halaga ng mga kultura at ipakita sa buong bansa ang kakaibang ganda ng mga bayan kung saan maaaring itampok ang pananampalataya at pagkamalikhain.
Ang mga bisita ay inasistehan ng mga staff ng Municipal Tourism Information, and Cultural Affairs Office sa pamumuno ni Dr. Rafael L. Saygo. (VMF/RSO; JMB)










