SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Kanilang Sahod

Tinanggap noong July 16, 2025 ng 14 na benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang sahod sa Treasury Office, sa tulong ng DOLE at PESO-Bayambang.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P6,642 mula sa LGU at nakatakdang tumanggap din ng P4,428 mula sa DOLE bilang kabuuang sahod para sa 20 araw ng kanilang pagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang, kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong makaranas ng aktuwal na pagbibigay ng serbisyo-publiko habang kumikita

Ang kanilang arawang sahod ay P553.50.

Base sa SPES guidelines, 60% ng kabuuang sahod ay mula sa pondo ng LGU-Bayambang, habang ang 40% ay subsidized ng DOLE.

Ginanap ang SPES payout noong Hulyo 16, 2025, sa Treasury Office.

Sa programang ito, natutulungan ang mga estudyanteng nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad na kumita habang nakabakasyon at mapalawak ang kanilang kaalaman sa trabaho sa gobyerno. (KB/RSO; PESO)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka