SPES Beneficiaries sa Niñas Café, Tumanggap ng Kanilang Sahod

Tinanggap na ng mga benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) na naitalaga sa Niñas Café ang kanilang paunang sahod na P6,060, na katumbas ng 60% ng kanilang kabuuang sahod na P10,100.

Sa ilalim ng programa, ang 60% ng sahod ay sagot ng employer habang ang natitirang 40% o P4,040 ay subsidized ng Department of Labor and Employment (DOLE). Katumbas ito ng P505 kada araw, kung saan P303 ang bahagi ng employer at P202 naman ang mula sa DOLE, hindi pa kasama ang overtime pay.

Sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) at sa pakikipagtulungan ng mga pribadong establisimyento tulad ng Niñas Café, nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na kumita at magkaroon ng mahalagang karanasan sa trabaho habang bakasyon. (KB;PESO)