SPES Beneficiaries, Minonitor ng DOLE

Nagtungo sa Bayambang ang kawani ng Department of Labor and Employment – Central Pangasinan Field Office (DOLE-CPFO) na si Gng. Lizlee C. Puzon noong Hulyo 4, 2024 upang i-monitor ang mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa Bayambang.

Kanyang binisita ang mga naging SPES beneficiaries ng LGU at Niñas Cafe.

Sa kanyang nasabing pagbisita, pinulong niya ang mga nasabing estudyante at binigyan ng pagsusulit upang maievaluate ang kanilang naging karanasan bilang SPES beneficiaries. (GS/RSO; PESO)