THEME: Disiplinadong Bayambangueño tungo sa progreso at pagbabago
Isang malaking hamon ang hinaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
We see the headlines.
We hear the people’s call.
Across our nation, the issues of corruption, negligence, and the profound erosion of public trust continue to plague the very systems sworn to serve the people. At sa gitna nitong mga balita at kontrobersiya na bumabagabag sa mga mamamayan ng ating bansa, we find ourselves face to face with a hard question: Sino pa ba ang ating mapagkakatiwalaan ngayon?
Mga kababayan, bilang inyong Punong Bayan, hayaan ninyong tiyakin ko ito: Mayroon pa ring mga lokal na pamahalaan na tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. At taas noo kong masasabi na isa na rito ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang.
Patuloy so administrasyon tayo ed inpormisa to ya gáwa tan panangaro ed amin ya desisyon, lalo la ed panag-egna na kaban na baley tayo. Tan diad apalabas a sanlasus ya agew na panagserbik ed say kumadwan termino’k, inimplementa tayo iray programa ya mansumpal na mabiskeg ya pundasyon tan mangipuesto na panag-uley parad masiglat ya Balon Bayambang. (Patuloy na pinaninindigan ng ating administrasyon ang ipinangako naming pananagutan, at malasakit sa lahat ng ating desisyon, lalo na sa pamamahala ng kaban ng bayan. And in the past 100 days of my office, we have implemented programs that laid strong foundations and set the vision towards a progressive Balon Bayambang.)
Taong 2018 ay binalangkas ng Munisipyo ang Bayambang Poverty Reduction Action Plan (2018-2028). Dito nakalatag ang mga programa at proyekto na kailangang gawin sa loob ng sampung taon upang tuluyang makaahon ang Bayambang sa tanikala ng kahirapan. At ikinagagalak kong ibalita sa inyo na after almost 7 years since the implementation of the BPRP, malaking bahagdan na ng ating populasyon ang gumanda ang kalidad ng buhay. Noong taong 2015, ang opisyal na Poverty Incidence sa ating bayan ay nasa 24.5%. Nangangahulugan ito na isa sa bawat apat na pamilya sa Bayambang ang nasa ibaba ng poverty line. At sa pinakahuling opisyal na ulat ng PSA taong 2021, matagumpay nating naibaba ang Poverty Incidence sa 19.4%. This indicates a significant 5.1% reduction na kumakatawan sa libo-libong pamilyang Bayambangueño na nagkaroon ng magandang oportunidad at nai-ahon mula sa bingit ng kahirapan.
Nen inter yo so masagradon tiwala ya ituloy kon mansilbi ed baley nen Hunyo, sisiguraduen tayon diri-diretson amin so saray programa ed nanduruman sektor na Poverty Reduction Action Plan tayo. (Simula nang maupo akong muli bilang ina ng bayan noong Hunyo, tinitiyak natin na tuluy-tuloy ang pagbuhos ng mga programa sa ilalim ng iba’t ibang sektor ng ating Poverty Reduction Action Plan.)
Dahil naniniwala ako na ang Edukasyon ay Para sa Lahat, dinonate ko po ang P7,308,000 na kabuuan ng aking sahod sa Local School Board, sapagkat wala pong kabayaran ang aking paglilingkod sa bayan. Sapat na sa akin na makita ang ating mga anak na nag-aaral at nagsusumikap upang matupad ang kanilang mga pangarap. Sa kasalukuyan, nasa P8.4-million na po ang kabuuan ng ating Special Education Fund na ilalaan natin sa improvement at modernization ng ating mga paaralan. Before the start of the new academic year, nagbahagi naman ang pamahalaan mula sa pondo ng LGU at SEF, kasama na ang personal kong donasyong sahod, ng 57 units ng Smart TV, photocopier machine, at 705 brigada eskwela materials sa limampu’t pitong (57) paaralan ng Bayambang. Every year since 2023, ₱2.3 million has been allocated for the distribution of free school supplies to more than 51,000 public elementary pupils, the majority of whom belong to 4Ps families. We do this to relieve parents of the financial stress of back-to-school expenses, allowing them to allocate limited income toward food, utilities, or livelihood. Tuluy-tuloy din ang ating pag-iikot sa mga paaralan para sa programang Buklat Aklat na layuning palawakin ang literacy o kakayahan sa pagbasa ng mga kabataan. Natan ya taon, walay 1,085 ya estudyante tayo ya libren mana-aral diad Bayambang Polytechnic College. Sikara et nanlapo ed saray sanka-irapan ya pamilya ed baley tayo, ya inikdan tayo’y pangkanawnawa piyan nasumpal da ray sarili ran pangarap ed bilay. Ed untumbok ya taon, mansumpal so 92 ya estudyanten mana-aral diad BPC. (Sa kasalukuyan, mayroon tayong mga isang libo na estudyanteng nag-aaral ng libre sa Bayambang Polytechnic College. Sila ay mula sa mga pinakamahihirap na pamilya ng ating bayan na binigyan natin ng pagkakataon upang matupad ang kanilang mga pangarap.)
Ang Dekalidad na Serbisyong Medikal ay para sa Lahat. Iyan ang ating ipinangako kaya tuloy pa rin ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) na walong taon nang naglalapit ng mga libreng medical at social services sa pitumpu’t pitong barangay ng Bayambang. Hindi na kailangang pumila o bumiyahe ng ating mga kababayan—lalo na ang mga seniors, PWDs, at mga buntis—dahil mismong munisipyo ang lumalapit upang magbigay ng agarang serbisyo. Nasa 9,997 Bayambangueños ang natulungan ng KSB mula July 2024 hanggang October 2025. And since 2022, the program has reached 66, 564 beneficiaries, the majority of whom are 4Ps members. Iba pa rito ang mga natulungan ng libreng serbisyo na hatid ng anim na RHU ng Bayambang gaya ng immunization services, dental services, libreng konsultasyon, libreng pagpapaanak, at mga regular na medical and surgical missions na nakatulong sa libu-libo nating kababayan. Overall, the total value of free medical services provided amounted to P7,028,590.62. Nariyan din ang ipinatayo ng aming pamilya na Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center na kumakalinga sa daan-daang Bayambangueños. Sinikap natin na ang RHU 1, 2, and 3 ay maging PhilHealth accredited at malaking katipiran ito para sa mga Bayambangueños.
Dahil sa matibay na dedikasyon sa kalusugan, pormal na iginawad sa LGU-Bayambang ang CROWN (Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition) Award mula sa National Nutrition Council. Ang seremonya ay pinangunahan mismo nina Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. at DOH Secretary Teodoro J. Herbosa. Bukod pa rito, napabilang din ang ating MNAO sa Top 10 performing MNAOs nationwide.
Sa kabilang banda, dahil sa pagtutulungan ng Mayor’s Action Center at MSWDO, nakapaglaan tayo ng P3,464,000 para matulungan ang 340 na pasyente sa kanilang pagpapagamot, kabilang na ang pagsagot sa minor at major surgical operations. These data crucially establishes, na sa ating panunungkulan, sisiguruhin natin na ang mamamayan ay hindi kailanman dapat mapilitang mamili sa pagpapagamot ng karamdaman at pagtitipid ng pera dahil ang high quality healthcare ay karapatan ng taumbayan.
Not only do we think of ways to improve our healthcare system, gumagawa din tayo ng iba’t ibang hakbang upang masiguro na ang bawat Bayambangueño ay may Trabaho. Sa ating pagsusumikap, patuloy na tumataas ang employment rate ng Bayambang. In the 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI), Bayambang ranked 176th in the indicator for Employment Generation out of the 509 1st to 2nd Class Municipalities nationwide. This competitive ranking reflects the high number of new jobs created and the effectiveness of our local government’s efforts to promote employment opportunities.
Nakapagdala pa tayo ng mga investors sa bayan na nagpatayo ng iba’t ibang business establishments gaya ng: Watsons, Angkong Noodles, Senor Ihaw, Alfamart, at CitiHardware. Ang Bayambang o BYB Metro na kikilalanin bilang BGC of the North ay inaasahang magpapalakas sa ekonomiya at turismo ng Bayambang. On top of this, magkakaroon tayo ng hatchery, swinery, at solar farm na mangangailangan ng daan-daang manggagawa. Baleg ya ya kaaruman ed saray oportunidad ed panag-trabaho tan ekonomiya tayo, bukod ni ed Sustainable Livelihood Programs tan Job Fairs a ginawgawa tayo. (Malaking karagdagan ito sa mga employment at economic opportunities na naibigay natin through our Sustainable Livelihood Programs and Job Fairs.)
But aside from providing job opportunities, we also provided hope for hundreds of families. Sa kabuuan, mahigit P26.3-million ang financial assistance na ating ipinamahagi, na agarang nakatulong sa mga Bayambangueño mula sa TUPAD, GIP, SPES, at SLP. This amount of support decisively demonstrates our immense belief in and concrete investment in the talent, skills, and capacity of our people—a tangible commitment to empowering Bayambang’s workforce.
Sa ilalim ng Social Protection sector—mula Hulyo 2024 hanggang Hunyo 2025, nakapagbigay-tulong ang Mayor’s Action Center at MSWDO sa 3,080 na Bayambangueño sa ilalim ng AICS program. Umabot sa P4,183,000 ang grand total of financial assistance na ating ipinamahagi; kabilang na dito ang agarang medical, burial, emergency shelter, and transportation assistance ng ating mga kababayan. Akaawat met so LGU na balon Patient Transport Vehicle ya nanlapud PCSO. (Nakatanggap din ng bagong Patient Transport Vehicle ang LGU mula sa PCSO.) On March 25, 2024, the municipality completed and turned over eight (8) bahay kubo units to 4Ps beneficiaries, each equipped with sanitary toilets. Dalawa po sa mga bahay kubo units ang personal kong pinondohan. These structures were more than shelters, they symbolized the restoration of dignity and the municipality’s commitment to inclusive growth.
This year, pormal na nagtapos sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang kabuuang 2,804 beneficiaries ng programa—ang pinakamataas na bilang sa buong Region 1 na siyang rason upang muling masungkit ng LGU-Bayambang ang titulong Model LGU Implementing 4Ps sa buong rehiyon. Mayroon namang kabuuang 4,821 na pamilya ang matagumpay na naka-graduate sa 4Ps mula pa noong 2022. This means that families who once depended solely on conditional grants are now earning steady incomes.
Ang kapayapaan at seguridad ay mahalaga ring pundasyon sa pag-unlad ng Bayambang. With this in mind, patuloy na naglalaan ang LGU ng pondo para sa Peace and Order operations: ₱14.98M noong 2024, at ₱19.87M nitong 2025 upang palakasin ang ating Municipal Police Station at BPATs. Ito rin ay upang mapanatili ang mababang crime rate ng bayan. And because of these efforts, ang PNP-Bayambang ay itinalagang national nominee ng NAPOLCOM para sa Community Service-Oriented Policing Award—isang patunay na ang ating bayan ay nangunguna sa inobatibong paraan ng paglaban sa krimen at pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Still in connection with peace and order, nilunsad natin ang Task Force Disiplina nitong Agosto upang masiguro na naipapatupad at sinusunod ang ating mga batas at ordinansa. Direkta kong inilaan ang bahagi ng aking sahod upang pondohan ng Task Force Disiplina, nang sa gayon ay lubos na mapataas ang disiplina at kaayusan sa Bayambang. Diad agew-agew ya operasyon na TFD tayo, adiskubre ya dakel ed saray barangay so walay ilegal ya koneksiyon odino “jumper” da ed saray streetlight. Tampol ya inaksyonan iya na LGU. Ta pian sigurado ya walay silew so saray karsada tayo ra ed barangay, say lokal ya gobyerno so sinmagot ni na reconnection fee lapud ag ni ya akaloob ed budget na saray barangay. (Though the efforts of our TFD , natuklasan na maraming barangay ang nagkaroon ng ilegal na koneksyon o jumper sa mga streetlight. Agad itong inaksyunan ng LGU, at upang siguraduhin na may ilaw ang ating mga kalsada, sinagot muna ng pamahalaan ang reconnection fee dahil hindi pa ito kasama sa budget ng mga barangay.)
Bukod pa rito, nito lamang Setyembre, ating tinibag ang ilegal na Yellow Building sa Public Market. This is to give way to the construction of a much-needed parking space para sa mga mamimili sa ating poblacion area. Ongoing na din ang mga hakbang para sa improvement plan ng municipal plaza kung saan magkakaroon ng additional parking space at pitumpung kiosks para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). Saraya so manpanengneng ya say buwis na totoó et talagan náipapawil ed pankaabigan tan progreso na amin. (Ito ay mga patunay na ang buwis ng taumbayan ay tunay na naibabalik sa kapakinabangan ng lahat.)
Under Environmental Protection at Disaster Resiliency, maagap tayong gumagawa ng mga hakbang upang maitaas ang proactivity ng ating bayan sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna. Kaya naman, kinilala ang Bayambang sa ika-limang pagkakataon bilang Gawad KALASAG awardee. To improve our services, Isang panibagong rescue vehicle responder na nagkakahalaga ng P2.488-million, ang ika-15 na responder mula pa noong 2016, ang ating na-acquire nitong nakaraang buwan. Proaktibo nating pinalakas ang earthquake preparedness sa pagpapamahagi ng 20,000 hard hats sa mga elementary pupils bilang pangunahing proteksyon sa oras ng lindol.
Samantala, patuloy ang Bali-Bali’n Bayambang program kung saan linggo-linggo ang malawakang clean-up drive upang mapanatiling maaliwalas at malinis ang ating kapaligiran. Because of this, muling nag-uwi ng karangalan ang LGU-Bayambang matapos makamit ang Solid Waste Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award nitong February 2025 mula sa DENR-EMB Ilocos Region. Sa ating pagnanais na maibsan ang epekto ng climate change at manguna sa pagtataguyod ng malinis na enerhiya, nilagdaan naman ang isang kasunduan nitong Setyembre para sa isang 10MW Solar Plant sa pagitan ng CS First Green AID at CENPELCO, isang malaking hakbang tungo sa pagiging sustainable at eco-friendly ng Bayambang. Ito ay pinangunahan ni CS First Green Chairman, Dr. Cezar T. Quiambao.
Sa ating mga magsasaka, handog natin ang iba’t ibang programa na naka-angkla sa Agricultural Modernization. Tampok dito ang mga proyektong pinondohan ng Department of Agriculture kagaya ng P40-million onion cold storage facility sa Nalsian Norte at Amancosiling Sur. Ongoing na din ang Road Opening and Concreting of San Gabriel II-Pantol Farm-to-Market Road worth P319.18-million; wherein, hindi utang ang ginamit dito kundi isang grant mula sa World Bank. Sampung porsyento (10%) ang galing sa lokal na pamahalaan, 10% rin ang mula sa Philippine Rural Development Authority sa ilalim ng DA, at ang 80% o halagang P126.478-million ang magmumula sa grant ng World Bank.
Sa tulong rin ng Department of Agriculture, nagbahagi din tayo ng Combine Harvester worth P2.3-million at Hauling truck worth P2.1-million sa mga cluster organization. Another notable intervention, ay ang pamamahagi ng 7,483 bags ng Hybrid at Inbred Palay Seeds na nagkakahalaga ng P36, 738, 000 na pinakinabangan ng 6, 400 rice farmers ng Bayambang. Nagbigay din po tayo ng P12,761,000 na financial assistance sa 1,823 rice farmers sa ilalim ng RFFA 2024. Tan bilang pangipanengneng na suporta tayo ed sikara ed panaon na kalamidad, angiter so pamilya Quiambao-Jose na P1M ya donasyon parad 2, 500 ya dumaralos ya aderala’y tanem na bagyo nen Hulyo. Angibulos met so LGU na P4M a tulong-pinansyal pian makatulong ed panagbangon da. (At bilang pagpapakita ng ating suporta sa kanila sa panohon ng sakuna, naghandog ang pamilyang Quiambao-Jose ng P1M na donasyon para sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo noong Hulyo. Dagdag dito, naglabas din ang LGU ng P4M financial aid para makatulong sa kanilang pagbangon.) Nang maapektuhan din ang mga palayan ng army worm/harabas, P2,689,004.50 ang inilaan ng munisipyo para sa insecticides at fungicides at labing-anim (16) na ektarya ng farmland ang isinailalim sa massive spraying. Hindi lamang iyan dahil sa ating pakikipag-ugnayan sa mga national agencies, nakapagbigay tayo ng labintatlong (13) set ng water pump and engine na nagkakahalaga ng P4,095,000 at anim na Composting Facility for Biodegradable Waste na may kabuuang halaga ng P6-million. All these projects are purposefully made; puspusan nating trinabaho upang pataasin ang kita ng mga magsasaka through optimizing productivity and connectivity.
Ngunit ang ating pananaw ay hindi lamang pang-isang-araw. Sustainability will only be achieved if we integrate agriculture in education. Kaya naman, katuwang ang UP-Los Baños BIOTECH, binigyan natin ng teknikal na kaalaman ang 150 magsasaka sa pamamagitan ng BEACONS Program. Itinaguyod din natin ang BS Agribusiness sa Bayambang Polytechnic College dahil naniniwala tayong nakasalalay sa kamay ng ating mga kabataan ang kinabukasan ng agrikultura. And we are reaping the fruits of this initiative; kamakailan lamang, isang second-year BPC Agribusiness student ang gumawa ng kasaysayan, sa kanyang pagkapanalo sa Young Farmers Challenge—a clear indication that the future for agriculture is secured, stable, and brighter than ever.
Pinapalakas naman natin ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng Economic at Infrastructure Development projects na garantisadong, matibay, mapagkakatiwalaan, at walang bahid ng korapsyon. Kabilang sa ating mga natapos na proyekto ay ang New Bayambang Central Terminal na nagsisilbi ding bagsakan ng bayan; at ang MSWDO at ECCD Building sa Brgy. Magsaysay. Isinasagawa na rin ang mga hakbang para sa Improvement Plan ng bagong Bayambang Cemetery at Municipal Plaza.
Recently, pinasinayaan na din natin ang Phase 2 ng ₱284-million San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road Project. Ongoing na rin ang pagpapatayo ng 442-meter Wawa bridge na pinondohon ng DPWH ng humigit-kumulang 300M pesos. Wala pong ginastos ang munisipyo dito dahil ang mga ito ay grant o donasyon. Trinabaho tayo yan amin diad kagustuan tayo ya napalemew so kabibilay na balang sinansakey ya Bayambangueño, tan siguradoen ya anggapo so natilak ed saray proyekto na administrasyon na Quiambao-Sabangan. (Trinabaho po natin ito dahil sa kagustuhan natin na mapagaan ang kabuhayan ng bawat Bayambangueño, and make sure na walang napag-iiwanan sa mga proyekto ng Administrasyong Quiambao Sabangan.)
Nagbunga din ng recognition ang ating pagpupursige sa pagpapatibay ng imprastraktura ng bayan. Ipinagmamalaki ng LGU Bayambang ang pagkilala nito bilang 3rd Place Region-wide sa Business Competitiveness sa larangan ng infrastructure. Iginawad ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) recognition rite na ginanap noong November 2024.
Lahat ng ating nagawa, kalakip ng ating consistency sa paghahatid ng Good Governance, ay nagbunga ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang ahensiya. Muli tayong kinilala bilang DILG Champion of Good Governance sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance (SGLG)—ang pinakamataas na pagkilala ng national government. Ito ay isang patunay na ang ating bayan ay tunay na modelo ng transparency at accountability sa buong rehiyon at buong bansa. Ang Bayambang ay kabilang din sa Top 5 LGUs para sa prestihiyosong Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) Awards—a manifestation that we are innovating and we are investor-ready. Once a purely agricultural town, our municipality now ranks among the Top 5 Most Economically Competitive municipalities according to the Philippine Chamber of Commerce and Industry. Nariyan pa ang iba’t ibang parangal kagaya ng 2024 Good Financial Housekeeping Certification, Full Disclosure Policy (FDP) Compliant LGU, and a clean audit (UNMODIFIED OPINION) recipient from the Commission on Audit for 2024—the second time the municipality has been commended for its spotless financial records. Higit sa lahat, napanatili natin ang ISO 9001:2015 Certification sa 2nd surveillance audit, na nagpapatunay ng world-class quality ng mga proseso ng ating LGU sa pagbibigay ng mga serbisyo.
Setting a provincial benchmark for digital governance, Bayambang is even recognized as the first municipality in all of Pangasinan to fully integrate Gcash for online payment processing, particularly in business permits, market stalls, and ticket violation. Kaya naman, nakakaproud na ang ating Lokal na Pamahalaan ay inimbitahan mismo ng GCash upang magbahagi ng best practices at strategies sa digital transformation.
Napakarami po nating inilunsad sa aking unang isang daang araw sa panunungkulan. But this is only a small portion of what’s about to come in Bayambang because over the next few years, an outstanding and dedicated investment of P3 Billion will be poured into our Municipality, fueling the greatest economic transformation Bayambang has ever known. Ilan sa mga ito ay kasalukuyan nang ginagawa gaya nang bagong gusali ng Bayambang Polytechnic College na nagkakahalaga ng P308 Million. Layunin nito na mas marami pang Bayambangueños ang makapag-aral ng libreng kolehiyo. We are also working to erect a P400M Chicken Hatchery in Brgy. Amancosiling Sur, a P10M Swine Facility in Brgy. Iniranangan, and P40M Cold Storage Facilities in Nalsian Norte and Amancosiling Sur to ensure that our farmers are given the utmost priority and support they deserve. The most colossal project, however, and soon to rise in Bayambang is the BYB Metro or Bayambang Metro—a P2.5 billion-worth commercial-residential township project, spanning 67 hectares in Brgy. Bani, Bayambang, which will elevate our town to become the primary economic and tourism hub of southern Pangasinan. The main attraction of this project is the Blue Sky Theme Park, at magbubukas na po ito sa publiko sa buwan ng Nobyembre.
Amin ya agamuran tayo ed loob na sanlasus (100) ya agew et aliwa labat ya agamuran na say LGU tayo; kayaryan yo met ya, pinablik iran Kabaleyan. (Lahat ng mga tagumpay na ating nakamit sa loob ng isang daang araw ay hindi lamang tagumpay ng LGU; ito ay tagumpay din nating lahat bilang mamamayan.)
Kagaya ng isang ina na gagawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak, patuloy kong gagawin ang tama at nararapat para sa Bayambang. My administration will continue to lead with integrity. We pledge to serve competence, excellence, and transparency. But the lasting, fundamental change we all dream of requires YOU—the disciplined Bayambangueños—to step up and own your part in our destiny. Sapagkat ang pinakamagandang ordinansa, ang pinaka-makabuluhang proyekto, at ang pinaka-modernong imprastraktura ay walang silbi kung walang disiplina ang mamamayan.
Discipline is the highest form of civic respect. It is the daily, quiet choice you make that will shape our future and that of the generations to come. Kaya’t ito ang aking huling panawagan bilang ina ng bayan; isang hamon na may diin at pagmamahal: sa gitna ng mga kontrobersiya sa bansa, patunayan natin sa buong Pilipinas na sa Bayan ng Bayambang, na ang progreso ay totoo dahil ang mamamayan ay tapat, nagkakaisa, at disiplinado.
Mabuhay ang Bayambang! Mabuhay tayong mga Bayambangueño!
Baleg a salamat ed sicayon amin! To God be all our Highest Honor and Glory. Niñaaro ta kayo.
