State of the Municipality Address 2024

Bayambang SOMA 2024 | “Integridad at Katapatan: Yaman at Pag-asa ng Bayan”

Sa ikalawang taon ng pamamahala ng kauna-unahang babaeng Mayor ng bayan ng Bayambang, narito na ang napakaraming inisyatibo, napakalaking pagbabago, at patunay ng patuloy na progreso. Ang mga sumusunod na sektor ay nagpapakita kung nasaan na nga ba tayo pagdating sa pagkamit ng unti-unting tagumpay sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Isang mithiin ng bayan kung saan walang maiiwang naghihirap at lahat ay makararanas ng kaginhawaan.

Ito ay naging posible dahil sa tamang datos na naitala sa tulong ng Restructured Community Based Monitoring System (RCBMS), kung saan ating natuklasan na mula sa 45,071 na bilang ng mga household sa bayan, mayroon pang 26,917 na pamilya ang kumikita ng mas mababa sa P15,000 na poverty threshold ng Philippine Statistics Authority (PSA). At 13,557 dito ay kumikita ng mas mababa pa sa P5,000 kada buwan. Ang mga sambahayang ito ang pinagtuunan ng pansin ng ating mga programa at proyekto at patuloy na isinusulong sa bayan.

Atin ngayong tunghayan ang pagsasakatuparan sa wakas ng maraming naipangako ng administrasyong Quiambao-Sabangan mula pa noong una, salamat sa pagtutulungan ng lahat. Sa loob lamang ng isang taon, mula June 2023 hanggang June 2024, sa ilalim ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, balikan natin kung anu-ano ang atin ngayong tinatamasa matapos ang lahat ng pagpupunyagi dahil matapang nating ipinagpatuloy ang lahat nang nasimulan, anuman ang naging mga balakid sa daan.

HONEST AND EFFICIENT PUBLIC SERVANTS

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tunay, tapat, at mapusong serbisyo publiko sa mga Bayambangueño.

Narito ang mga de-kalidad na programa at proyektong hatid ng LGU-Bayambang:

  • 24,825 na benepisyaryo ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, tumanggap ng mga serbisyong nagkakahalaga ng P3,948,873M
  • LGU-Bayambang, may 906 na bilang ng mga kawani na kinabibilangan ng 328 Permanent, 116 Casual, 433 Job Order, 17 BPC Staff at 12 Consultants
  • LGU-B ayambangComprehensive Development and Resiliency Assessment (CDRA), Pre-ARTA, CBMS Coordinating Board, official website at Citizen’s Charter, patuloy na ina-update.
  • Social Annex Building, malapit na itayo
  • Region I Trial Cour, ibinalik na sa LGU ang possession sa Bayambang Central School
  • 1,589 na Bayambangueño, tumanggap ng libreng legal services at nakatipid ng consultation and drafting fees na umaabot sa 500 to 5,000 pesos ang isang kaso
  • LGU-Bayambang, naghahanda na para sa ISO Surveillance Audit

Ang integridad ng mga kawani sa paglilingkod sa bayan ay makikita sa kanilang patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko nang walang kinikilingan at may pagkakapantay-pantay. At Iyan ang siyang ating masugid na ipinatutupad dito sa LGU-Bayambang.

FINANCIAL ADMINISTRATION

Sa bawat taon na lumilipas, ating nasasaksihan ang pag-usbong at pag-angat ng ating mahal na bayan. Ngayon, ating tunghayan ang mga tagumpay na naabot natin sa malinis at mahusay na financial management.

  • LGU budget, tumaas at umabot na sa P573,163,840.35 mula sa dating P552,095,632.42
  • Annual Investment Plan (AIP) – tumaas ng 55.93% at umabot na sa P5,005,288,121.35 mula sa P3,209,940,201.42 noong 2023
  • LGU-Bayambang, tumanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA)
  • LGU-Bayambang, kinilala sa pagpapatupad ng Good Financial Housekeeping
  • Locally Sourced income, patuloy ang pagtaas mula sa P161,060,087.10 noong 2022. Ito ay tumaas ng 20% at umabot sa P176,366,820.70 noong 2023 at mayroon namang P72,311,942.98 sa 1st quarter pa lamang ng 2024.

Ito’y nagpapakita na tagumpay nating nahihikayat na magbayad ng tamang buwis ang mga Bayambangueño kabilang na ang mga masisipag na negosyante dahil kanila mismong nakikita at napakikinabangan ang bunga ng kanilang ambag.

EDUCATION

Ating ipagbunyi ang mga hindi matatawarang tagumpay ng ating sektor ng edukasyon. Ang ating bayan ay tunay na maipagmamalaki dahil sa ating walang sawang pagtutok at pagpapahalaga sa edukasyon.

Sa katunayan, mayroong P8,593,000 na budget ngayong taon kung saan ginagamit ito sa mga sumusunod na programa.

 

  • Naglaan ng P150,000 para sa Alternative Learning System (ALS) program.
  • P2,231,713.52 na halaga ng school supplies, ipamamahagi sa 18,135 na estudyante
  • 269 printers para sa paggawa ng learning materials, ipinamahagi sa 800 na guro
  • P528,000 financial assistance, ibinigay sa mga student athlete
  • 1,000 college students ng Pangasinan State University-Bayambang Campus (PSU-BC) nakatanggap ng P1,000 financial assistance mula sa SEF at P5,000 mula sa educational assistance ni Sen. Imee Marcos para sa piling 1000 college students ng PSU-BC at Bayambang Polytechnic College (BPC). Bukod pa ito sa pribadong donasyon na higit P1M mula kay Mayor Niña at former Mayor Cezar Quiambao bilang tuition fee.
  • P1,463,625 worth ng Brigada Eskwela packages, ipinamahagi sa 50 paaralan
  • Pagbubukas ng Don Teofilo Elementary School sa Brgy. Ligue, at
  • Engrandeng Educator’s Night tuwing buwan ng Oktubre.

 

Bilang patunay ng personal na dedikasyon sa edukasyon ni Mayor Niña, ang buong sweldo bilang mayor ay kanyang idinonate sa sektor ng edukasyon at kung susumahin mula noong 2016, ito ay nagkakahalaga ng P11,073,444.

Ito’y maliit na sakripisyo kumpara sa malaking kontribusyon ng ating mga guro at estudyante sa kinabukasan ng Bayambang.

HEALTH

Sa isang komunidad, napakahalaga ng kalusugan upang matiyak ang maayos at masiglang pamumuhay ng bawat Bayambangueño.

Kaya’t naglaan tayo ng P58,140,275.52 na pondo upang maipagpatuloy ang pamimigay ng mga libreng bitamina, gamot, bakuna, laboratory tests, at iba pa para sa lahat ng pamilyang Bayambangueño.

Narito ang ating mga naisakatuparan sa sektor ng kalusugan;

  • 32,927 patients served mula 2023 hanggang Mayo ng taong kasalukuyan
  • 6 Operational Rural Health Units (RHU) sa iba’t ibang distrito
  • 60 health workers kabilang ang 3 resident doctors at 2 dentista
  • Animal Bite Treatment Center (ABTC), binuksan sa RHU III at narenew ang accreditation ng RHU I
  • Rabies vaccinations para sa mga alagang hayop, tuluy-tuloy
  • Information, Education Campaigns (IECs), kung saan nakapagtala ng 3,436 na partisipante at natulungang makaiwas sa anumang uri ng sakit.
  • Walang patid na seminars at trainings ukol sa Teenage Pregnancy, Maternal and Child Health Care, at Effective Parenting.
  • 47 babies successfully delivered sa RHU I at II dahil sa libreng maternal delivery, newborn screening, at newborn care
  • Monitoring ng nutritional status ng mga sanggol at bata sa ilalim ng programang Operation Timbang Plus (OPT+) gamit ang calibrated weighing scales.
  • Naglaan ng P7M na budget para sa Supplemental Feeding Programs ng 2,980 daycare pupils sa 74 Child Development Centers (CDC)
  • Urban gardening para sa mga residente ng Poblacion area.
  • Libreng pabunot ng ngipin para sa mga indigent na Bayambangueño
  • P14,715,600 na natipid ng 7,092 na pasyente sa ginanap na 5-Day Grand Medical Mission at tinatayang P2,952,850 na halaga naman ang natipid ng 1,712 na pasyente sa katatapos lamang na Medical Mission noong June 22.
  • 662 blood bags, nalikom ng RHU mula sa 10 na blood donation drives sa nabanggit na time period
  • Aktibong Sports at Physical Fitness sa bayan gaya ng Zumba Dance sessions, at Volleyball at Basketball Inter-District Tournament.
  • 2nd season ng Trim & Triumph Challenge na may P100,000 na papremyo mula sa alkalde at P340,000 naman para sa LGU Sportsfest 2023.

Tiyak na mas mapaiigting pa ang pagbibigay ng mga serbisyong medikal ngayong taon dahil sa nalalapit na pagbubukas ng JKQ Medical and Wellness Center, kung saan mayroong mga makabagong pasilidad at kagamitan.

Ang kalusugan ay kayamanan at ang malusog na mamamayan ay yaman ng bayan, kaya’t patuloy itong tinututukan para sa mas masiglang Bayambang.

SOCIAL PROTECTION

Kasama sa adhikain ng team Quiambao-Sabangan ay ang patuloy na pagbibigay-prayoridad sa karapatan at kaligtasan ng bawat isa lalo na ng mga bata at kababaihan.

Sa ating pagbibigay proteksyon sa bawat Bayambangueño, narito ang mga programang ating naipatupad.

  • P4,274,000, tinanggap ng 2,816 na kliyente ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
  • P349,187.03 na halaga ng assistive devices, ipinamahagi
  • P4,310,000, tinanggap ng 2,928 na kliyente ng Mayor’s Action Center (MAC) noong 2023 at 1,406,000 naman para sa 835 na kliyente sa 2nd quarter ng taong kasalukuyan
  • P513,785, natipid ng 487 na benepisyaryong mula sa Birth Registration Assistance Project ng Local Civil Registrar (LCR) at P1,008,580 na matitipid ng 956 pang Bayambangueño.
  • Donasyong P970,509 para sa Pamaskong Handog ni Mayor Niña, tinanggap ng 39,520 na pamilya, 2,994 daycare students, at 70 STAC students
  • 2,499 na pasyente, nabigyan ng libreng ambulance services
  • 33 IECs ukol sa teenage pregnancy, isinagawa
  • 252 HIV tests, naisagawa
  • P250,000 na halaga ng bahay kubo, idinonate ni Mayor Niña sa limang pamilyang nabibilang sa survival cases
  • 32 Duplex Housing Units sa ANCOP Ville, ibinigay sa 30 pamilya
  • 409 residential units na may single detached housing, maitatayo sa 41,963.00 sqm na lote sa LGU Ville gamit ang Pag-IBIG Funds para sa mga interesadong LGU employees.

Ang lahat ng ito ay bunga ng ating pagkakaisa at walang sawang pagsusumikap na mapabuti ang kalagayan ng bawat Bayambangueño.

SECURITY, PEACE, AND ORDER

Sa harap ng lahat ng pagsubok, ang lokal na pamahalaan ng Bayambang ay patuloy na nagsusumikap upang matiyak ang kaligtasan, kapayapaan, kaayusan at seguridad ng bawat Bayambangueño.

Narito ang mga naisagawa ng lokal na pamahalaan sa pagsiguro ng seguridad at kaayusan sa ating bayan:

  • Pagbaba ng Crime Rate sa 5.03
  • Pagbaba ng rate ng illegal drug use na nasa 3.33 na lamang
  • Tuluy-tuloy na Road Clearing Operations
  • Pagbaklas ng dangling wires
  • Paghire ng 106 personnel ng BPSO
  • Installation ng 180 CCTV cameras sa Poblacion area
  • Regular na pagroronda ng mga kapulisan sa 77 barangays
  • 456 information drives

Tayo’y naniniwala na ang ligtas na pamayanan ay nagsisimula sa loob ng tahanan. Kaya’t patuloy ang lokal na pamahalaan sa panghihikayat sa bawat pamilya na magkaroon ng disiplina at maging responsableng mamamayan upang patuloy nating matamasa ang kapayapaan sa ating bayan.

AGRICULTURAL MODERNIZATION

Pag-unlad ng agrikultura ang isa pa sa mga pinakapangarap ng administrasyon para sa Bayambang. Kaya’t narito ang unti-unting pagtupad ng mga ipinangako para sa mga minamahal nating magsasaka.

  • Rice and Corn Banner Program

-2,500 bags ng 20kg rice inbred seeds, ipinamahagi sa 1,000 farmers

– P900,000 worth ng 973 bags ng palay at P150,000 worth ng 75 bags ng fertilizers, ipinamigay sa mga nasalanta ng bagyong Egay

– P73,128,000 na halaga ng P4,000/ hectare fertilizer voucher, tinanggap ng 4,724 rice farmers

– P33,925,000 na financial assistance, tinanggap ng 6,785 rice farmers

  • Onion Farming

  – P1,480,000 worth ng 592 cans ng red onion seeds at P141,146.72 worth ng 88 bags ng urea fertilizer, ipinamahagi sa 88 onion growers.

  – Onion Capital ng Pangasinan, nagsagawa ng ground verification survey at geotagging sa ilalim ng PRDP Scale-Up Program ng Department of Agriculture para sa dalawang Onion Cold Storage na may 20,000-bag capacity.

-LGU-Bayambang, kinilala bilang Equitable Compensation Advocate ng DA-PRDP. 

  • National Livestock Program

– P10,000,000 grant para sa bio-secured swine facility, tinanggap ng LGU Bayambang

– 4 facilities, nakatakdang itayo sa 1 ektaryang lupa para sa 300 heads ng livestocks.

– 32 technical personnel, nakatakdang i-hire para sa construction phase at 2 laborer sa operational phase.

  • Dairy Farm

– 93,740.9 litro ng gatas, naproduce ng 96 na kambing at 89 na baka sa Bayambang Dairy Farm sa Brgy. Mangayao. 83,440.9 litro para sa mga supling at 10,300 litro naman ang naibenta sa merkado.

  • Farm Machinery & Equipment

  – P1M halaga ng farm machinery mula kay Sec. Estrella

  – 10 collapsible dryers

  – P270,000 na halaga ng 10 water pumps mula sa National irrigation Authority (NIA).

  – 4 Multi-Purpose Drying Pavement sa Brgy. Tampog, Manambong Sur, Mangayao at Pantol

  – P2.2M na halaga ng brand-new wing van mula sa KADIWA program

  – P40M na halaga ng Phase 1 Bayambang Pump Irrigation Project sa Brgy. Amancosiling Sur para sa may 1,600-ektaryang lupain sa 22 farming barangays, nagsimula na

  • Trainings & Workshops

– 4 na workshops at seminars para sa 304 lokal na magsasaka, isinagawa

– 100 corn at rice farmers, nakapagtapos sa Farmer Field School (FFS) at Rice Derby Workshop, 22 sa Corporate Farming Program, at 61 sa School on Air at nag-top 3 sa kanilang exam.

– Mga magsasaka at agri students, nagsanay sa “Digital Farming”

– Food Safety Compliance Officers, tumanggap ng Food Safety Training at Info Caravan on Agri Credits mula DA

– Field demo ng drone spray application para sa foliar fertilizer

– 4-day planning workshop kasama ang Hero Strategies Consulting Services

Bukod pa sa mga nabanggit ay asahan din natin ang mas marami pang programa at proyektong pang-agrikultura na makatutulong upang mas mapaangat ang estado ng pamumuhay ng ating mga tinaguriang bagong bayani, ang mga magsasaka.

JOBS AND LIVELIHOOD

Trabaho para sa lahat ang pinakamainam na paraan upang matulungang makaahon sa kahirapan ang bawat pamilyang Bayambangueño. Narito ang ating mga programa at inisyatibong ipinatupad;

  • 25,146 job vacancies, inioffer sa 1,017 applicants sa isinagawang 6 job fairs at 8 special and local recruitment activities
  • ₱17,911,150, tinanggap ng 4,169 Bayambangueño na naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng DOLE
  • ₱375,000.00 halaga ng sewing machine, ipinamahagi sa 15 benepisyaryo at ₱100,000 na halaga ng rice retailing, tinanggap naman ng 4 na benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Project
  • Seminars at trainings ukol sa SLP Micro-Enterprise Enhancement at Basic Business Management Training, isinagawa
  • ₱13,958,000 na start-up fund para sa mga Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA), tinanggap ng 944 na miyembro ng 4Ps
  • 114 Bayambangueño, nabigyan ng trabaho dahil sa infrastructure projects
  • Integrated Business Permits and Licensing System o (IBPLS), inilunsad at nakatulong na mapataas sa 1,572 ang registered businesses sa bayan na nagbukas ng job opportunities para libu-libong Bayambangueño.

Sa tulong ng munisipyo, asahan ang mas marami pang trabahong magbubukas para sa ating mga kababayan na makatutulong sa paglago ng estado ng kanilang buhay.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Sa usaping imprastraktura, tuluy-tuloy ang pag-usbong ng mga proyekto hindi lamang sa town proper kundi maging sa lahat ng 77 barangays.

Gamit ang 20 % Development Fund, narito ang mga naipatayong proyekto.

  • 70 Multi-Purpose Halls, 7 Barangay Halls, 63 Covered Courts, 28 Early Child Care Development Centers, 7 District Warehouses, 7 Evacuation Centers, 7 Barangay Health Centers at 7 Senior Citizen Buildings.
  • 8,000 sqm Bayambang Central Terminal sa PSU-BC na may total bid cost na P34,599,766.58 sa Phase I at P29,202,654 sa Phase II, naitayo na at malapit nang magbukas
  • Pantol-to-San Gabriel-2nd Farm-to-Market Road (FMR) with Bridges Project, nasa Phase II na
  • Rehabilitasyon ng nasunog na parte ng pampublikong pamilihan, naisagawa sa loob ng isang buwan
  • Donasyon ni Mayor Niña na roof ventilation sa RTW section na may halagang P1.2M, naikabit na
  • Konstruksyon ng local access roads at road-widening projects, tuluy-tuloy
  • Reconstruction ng Carlos P. Romulo Bridge, may pondo na dahil sa tulong ni Congresswoman Rachel Arenas sa pagdulog nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
  • Tinaguriang “White House” na dating Home Economics Bldg. na isang Gabaldon Building sa lumang Central School, binuksan na sa tulong ng CSFirst Builders
  • Phase I ng Public Bonery, tapos na
  • 9 na proyektong nagkakahalaga ng P247,623,797.87 mula sa pondo ng DPWH, isinagawa sa bayan ng Bayambang.

Ang mga proyektong ito ay sumasalamin sa patuloy na progreso ng bayan dahil sa mga tapat na lingkod bayan at nagkakaisang mamamayan.

 

ENVIRONMENTAL PROTECTION

Sa pangangalaga ng kalikasan, pagmamalasakit sa kapaligiran at epektibong pamamahala ng basura, narito ang mga samu’t saring programa at inisyatibo na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Bayambang.

  • Info drives ukol sa proper solid waste management, tuluy-tuloy
  • 2 Bagong garbage compactor trucks at 1 mini-dump truck na may humigit kumulang na P7,000,000 halaga, nabili at ginagamit na
  • 5,810 fruit-bearing trees na punla, naitanim sa simultaneous tree planting activity
  • 200 clean-up drives sa buong 77 barangays, isinagawa
  • “Tapat Ko, Linis Ko”, mas pinaiigting
  • ‘Clean and Bloom’ contest ng Bali-balin Bayambang 2.0, inilunsad
  • Basura patrollers, hinire bilang human CCTVs
  • 226 violators nahuli dahil sa illegal dumping of hazardous waste, illegal quarrying, illegal cutting of trees, at unauthorized disposal of waste in water bodies. Ito ay dahil sa mas pinaigting na regulasyon at polisiya para sa environmental protection.

Sa tapat at maayos na pamamahala, tayo’y nakasisiguro na natutugunan ang mga nakapipinsalang epekto ng mga ilegal na aktibidad na ito para sa sustainable and clean environment. 

DISASTER RESILIENCY

Hindi matatawaran ang halaga ng ating kahandaan sa sakuna, kung kaya’t ating sinisiguro na ang bawat Bayambangueño ay magkaroon ng sapat na kaalaman ukol dito.

Kaya’t narito ang mga aktibidad na naisagawa sa sektor ng Disaster Resiliency.

  • National Simultaneous Earthquake Drill, nakapagtala ng 111,667 participants noong 2023 at 21,466 sa 1st quarter ng 2024.
  • ICT Disaster Recovery Drill, naging matagumpay
  • Agarang tulong para sa 830 evacuees na nasalanta ng Bagyong Egay, naihatid
  • 136 bamboo propagules, itinanim para sa Agno River Rehabilitation Project
  • MDRRMO Satellite Office sa Brgy. Wawa Evacuation Center, binuksan
  • ₱10,000 na financial assistance, tinanggap ng nasunugang pamilya sa Brgy. Manambong Parte at ₱28,000 naman sa apat na pamilya sa Brgy. Bacnono.
  • P1,010,000 mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña, tinanggap ng 47 stall owners na nasunugan sa palengke at P213,000 naman mula sa LGU-Bayambang
  • Declogging operations para sa mga drainage, tuluy-tuloy
  • 22 LGU Employees, Incident Command System (ICS) Ladderized Course Completer

Bagama’t ang sakuna ay hindi maiiwasan, ang pagiging handa sa pagdating nito at sa muling pagbangon pagkalipas nito ay kayang sumalba ng maraming buhay kaya’t laging gawing prayoridad ang pakikiisa sa mga aktibidad na ating ipinatutupad.

TOURISM, INFORMATION, CULTURE, AND ARTS

Sa larangan naman ng turismo, ating naitala ang pagdagsa ng mas marami pang turista na naglalayong makapanghikayat ng mas marami ring investors sa ating bayan.

Ating isa-isahin ang mga matagumpay na proyekto, kaganapan at selebrasyong nakapang-akit sa mga turista.

  • Ang Japan-inspired Paskuhan sa Bayambang na pinondohan ng pamilya ni Mayor Niña, nakapagtala ng mahigit 800,000 bisita
  • Kauna-unahang 3D LED Screen sa labas ng Metro Manila sa Royal Mall na mula rin sa sariling bulsa ni Mayor Nina Jose-Quiambao.
  • 25,633 na bisita sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park, Bayambang Municipal Museum at iba pang tourism-related facilities.
  • Pakikibahagi ng LGU-Bayambang sa Philippine Experience Program na may naitalang 500 na bisita mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas
  • Town Fiesta 2024 na may budget na P660,775 mula sa P1,765,000 ng Public Affairs Fund Budget, nakapagtala ng 24,564 bisita

Hangad ng administrasyon na maiparanas din sa mga turista ang total quality service at mapatunayan ang tagline ng bayan na “Bayambang is where the best things happen,” hindi lang dahil sa mga tourism spots kundi dahil na rin sa kadahilanang dito matatagpuan ang mga mamamayang may integridad at lideratong tapat.

SANGGUNIANG BAYAN

Sa patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, mayroon nang 448 na resolusyon at 23 na ordinansang naipasa ang Sangguniang Bayan sa loob lamang ng isang taon. Ang mga batas na ito ang dahilan kung bakit natin maayos na naipapatupad ang iba’t ibang proyekto sa bayan para sa kapakanan ng bawat Bayambangueño.

 

AWARDS & ACHIEVEMENTS

Sa ating pagsusumikap na maibigay ang karapat-dapat na serbisyo publiko para sa lahat ng Bayambangueño, tayo ay kinilala at nabigyang parangal ng iba’t ibang organisasyon at ahensya.

Narito ang mga parangal na ating natanggap mula June 2023 hanggang June 2024:

 

  • Pinakamahusay na Peace and Order Council sa Region I.
  • Isa sa 20 na pinakamahuhusay na Municipal Anti-Drug Abuse Councils sa buong Pangasinan
  • Pinabli Award mula sa Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter para sa produktibong mobile blood donation drives
  • Gawad Parangal ng Nutrisyon-Rehiyon Uno 2023
  • Parangal ng National Nutrition Council bilang isa sa top 10 MNAOs sa buong bansa
  • Top-performing Newborn Screening Facilities sa Primary Care – Government Category
  • Level 1 Adolescent Friendly Health Facility
  • Top 3 Cities and Municipalities in Region 1 with “Most Number of Children Vaccinated for FIC or Fully Immunized Child”
  • Top Performing PESO in Career Development Support Program, Timely Submission of Monthly Reports, at Institutionalization of Barangay Employment Service Offices.
  • Compliance in Full Disclosure Policy in Good Financial Housekeeping audit 2023
  • Isa sa tatlong LGUs lamang sa Pangasinan na nakatanggap ng Ikatlong Gawad KALASAG Award
  • Champion sa 8th Regional Agriculture and Fisheries Extension Network (RAFEN) 1 Symposium
  • Top 3 sa Innovation sa Region I, Top 10 sa Resiliency nationwide at Top 16 naman sa Government Efficiency nationwide, para sa kategorya ng 1st-2nd class municipalities
  • ISO Certification mula sa Certification Partner Global – Philippines

Isa pa sa pinakamahahalagang parangal ay nang makamit ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang ika-apat na puwesto sa mga Top Performing Mayors ng Pangasinan sa taong 2023 ng isang pribadong independent survey.

Hindi man natin hangad ang anumang kapalit sa ating mga handog na serbisyo, subalit sa pamamagitan ng mga parangal na ito ay mas nagkakaroon tayo ng inspirasyon na magpatuloy at pagbutihin pa ang ating panunungkulan.

Conclusion

Ang Bayambang ay may kabuuang 45, 071 households at 26,917 dito ay dumaranas pa rin ng kahirapan. Kaya’t ito’y ating mas pinagtutuunan ng pansin upang matulungan ang bawat pamilya na makaahon sa poverty threshold. Bagama’t handa ang LGU sa pagbibigay ng tulong at resources, ang tunay na pag-unlad ay magmumula pa rin sa ating sariling pagsisikap.

‘Ika nga sa isang kasabihan, “Kapag binigyan mo ang tao ng isda, may makakain siya sa isang araw, ngunit kung tuturuan mo siyang mangisda, para mo na rin siyang pinakain ng panghabangbuhay.” Higit na mas kapaki-pakinabang na maturuan ang mamamayan na kumilos at gumawa para maiangat ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paghubog sa kanilang kaalaman kaysa sa paulit-ulit na iabot lamang ang pansamantalang pangangailangan.

 

Sa sama-samang determinasyon tungo sa patuloy na progreso sa bayan ng Bayambang, sa matapat na panunungkulan ni Mayor Nina Jose-Quiambao, at sa pagtutok sa paninilbihang bayan ng lahat nang may integidad, tiyak na makakamit natin ang mithiing mapagwagian ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

Hanggat malinis ang ating hangarin, naniniwala tayong ito ay gagantimpalaan, anumang hadlang ang ating kaharapin.

Kung gayon, asahan ang patuloy na pagbibigay ng Total Quality Service ng administrasyong Quiambao-Sabangan nang may Integridad at Katapatan na siyang Yaman at Pag-asa ng bayan.