Noong ika-19 ng Setyembre, nagsagawa ang ESWMO ng isang Information Education and Communication Campaign (IECC) ukol sa Solid Waste Management sa Tanolong National High School (TNHS) at ito ay ginanap sa kanilang Junior High School Building.
Sa maikling programa, ipinaliwanag ni DENR Region I ENMO, Engr. Eroll Rayden Gan, ang ukol sa RA 9003. Naroon din sina ESWMO SEMS Eduardo M. Angeles Jr. na nagpaliwanag ukol sa composting, ESWMO staff May Ann B. Palaming ukol sa recycling, at ESWMO staff Arielito S. Agas para naman sa waste segregation at penal provisions.
Bilang pangwakas, nagbigay naman ng maikling mensahe ang TNHS Focal Person ng Solid Waste Management na si Alfredo D. Poserio.