Ang Municipal Engineering office (MEO) ay matagumpay na nag-install ng mga solar-powered streetlights sa kahabaan ng provincial road sa may Brgy. Bani, partikular sa bahaging malapit sa BYB Metro, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kaligtasan at kaayusan sa lugar.
Isinagawa ang aktibidad sa tulong at pakikipag-ugnayan ng MEO sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na tumulong sa site assessment, pagtiyak na maayos at ligtas ang pagkakabit ng mga ilaw, at pagpapahiram ng kanilang manlift.
Sa sapat na liwanag sa kalsada, lalo na sa gabi at sa oras ng masamang panahon, maiiwasan ang aksidente at iba pang insidente sa nasabing bahagi ng daan. Malaki rin ang inaasahang maitutulong nito sa mga motorista, pedestrian, at mga kalapit na komunidad sa pamamagitan ng mas malinaw na visibility at mas ligtas na kapaligiran. (RSO; MEO)




