SOGIE Ordinance ng Bayambang, Inaprubahan ng SP

Pormal na inaprubahan ng Sangguninag Panlalawigan ang Municipal Ordinance No. 15, s. 2023 o ang “An Ordinance Protecting the Rights of Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders, Queers and Intersex (LGBTQI) in the Municipality of Bayambang Against Any and All Forms of Discrimination Solely on the Basis of Sexual Orientation, Gender Identity, Expression, Sex Characteristics (SOGIESC) and Providing Penalties for Violations Therefor,” matapos ang deliberasyon noong August 12, 2024 sa kapitolyo.

Ang ordinansa na akda ni Councilor Benjie S. de Vera ay naglalayong protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQI community at mapigilan ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa komunidad.

Lubos ang pasasalamat siyempre ng LGBTQI Association of Bayambang sa SP at sa SB sa pangunguna ni LGBTQI President Sammy Camorongan Lomboy Jr. (LGBTQI Assoc. of Bayambang) (Angel P. Veloria/RSO; larawan ni: SB)