Ang mga miyembro ng social sector ng LGU ay nagbigay ng update sa Bayambang Poverty Reduction Action Team upang mamonitor kung nasaan na ba ang mga aktibidad at proyekto na nakahanay ayon sa Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028.
Ginanap ang presentasyon ngayong araw, Setyembre 2, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pamamagitan ng regular na monitoring ng mga nasabing proyekto at aktibidad, nasisiguro na tuluy-tuloy ang implementasyon ng mga ito tungo sa pagkakapanalo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. (RSO; JMB)






