Upang mas maging maayos at maginhawa ang pamamahagi ng pension, isinagawa ng DSWD at MSWDO ang payout para sa mga kwalipikadong senior citizen beneficiaries sa mga barangay, mula Hunyo 23 hanggang 25.
Sa ilalim ng programa, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng P3,000 na financial assistance na maaaring gamitin para sa kanilang pangangailangan gaya ng gamot, pagkain, at iba pang gastusin sa pang-araw-araw.
Isinagawa ang payout sa magkakahiwalay na lugar sa iba’t ibang bahagi ng bayan upang mabigyan ng mas mabilis, maayos, at komportableng serbisyo ang mga nakatatandang benepisyaryo habang iniiwasan ang pagsisiksikan sa iisang venue.
Naging katuwang naman sa payout ang mga SPES students at Treasury Office na tumulong sa proseso ng beripikasyon at pag-aasikaso sa mga benepisyaryo, upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng social pension. (KBP; JMB)











