SK Mandatory Training, Dinaluhan ng mga Bagong Halal na SK Chairpersons

Ang unang batch ng mga bagong halal na 77 Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ay umattend sa SK Mandatory Training (SKMT) noong November 8, sa Balon Bayambang Events Center, bilang pagtalima sa isang requirement para sa mga bagong halal na SK officials bago magsimula sa kanilang tungkulin, alinsunod sa Republic Act 10742.

Ang training ay inorganisa ng LGU-Bayambang sa pamamagitan ng Local Youth Development Office at DILG, kung saan naging paksa ang mga sumusunod:

– Decentralization and Local Governance

– SK History and Salient Features

– Meetings and Resolutions

– Code of Conduct and Ethical Standards

Dito ay naging facilitators sina MLGOO VI Johanna Montoya, HRM Officer Nora R. Zafra, OIC MPDO Ma-lene Torio, Budget Officer Peter Caragan, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho, at LYDO President Johnson Abalos.

Dumalo rin sa naturang programa sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan at SK Federation President Gabriel Tristan P. Fernandez.

Sa susunod na mga araw, nakatakdang magtraining din ang iba pang mga SK Member upang mas higit ding mauunawaan ang kanilang mga dapat gawin.