Pinulong ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao kasama si Vice Mayor Ian Camille Sabangan, DPA ang mga Sangguniang Kabataan Chairperson ng 77 barangays sa pangunguna ni SK Federation President Marianne Cheska Dulay upang talakayin at bigyang solusyon ang iba’t ibang issues and concerns ng mga kabataaan sa kani-kanilang lugar.
Hinikayat ang mga kabataan na makiisa sa bougainvillea project ni Mayor Niña at gayundin ang pagsasagawa ng tree-growing activities sa kani-kanilang barangay.
Kasama rin sa mga tinalakay ang ukol sa budgeting at planning concerns at pagconduct ng teenage pregnancy summit. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)