Patuloy ang Sangguniang Bayan sa pagdinig ukol sa Annual Budget Hearing ng mga Sangguniang Kabataan (SK) ng iba pang mga barangay.
Inilahad dito ng mga nakasalang na SK leader mula sa iba’t ibang distrito ang kanilang mga panukalang programa at proyekto para sa taong 2026.
Tinalakay sa pagdinig ang mga planong nakatuon sa pangangailangan ng kabataan at komunidad, kasabay ng pagbibigay-diin sa maayos na pagpaplano, transparency, at responsableng paggamit ng pondo. (RHOB/RSO; AG)





