SK Annual Budget ng Ilang Barangay, Tinalakay sa SB Committee Hearing

Nagsimula na ang pagdinig ng Sangguniang Bayan (SB) sa mga panukalang budget at ordinansa ng mga Sangguniang Kabataan (SK) sa mga barangay.

Sa ginanap na committee hearing noong Marso 17, 2025, sa SB Session Hall ng Legislative Building, sumalang ang mga SK presidents at members ng Brgy. Paragos, Bongato East, Malioer, at Bacnono upang ipresenta at ipagtanggol ang kanilang mga annual budget para sa mga proyekto ng Sangguniang Kabataan.

Pinangunahan ang pagdinig nina SB Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations, Konsehal Jose S. Ramos, Committe Chairman on Ways and Means, Konsehal Amory M. Junio, at SK Federation Chairperson Marianne Cheska Dulay.

Naglatag ng mga proyekto para sa kabataan ang bawat barangay at ipinaliwanag ang mga ito sa pagdinig. Layunin nitong matiyak ang tamang paglalaan ng pondo para sa mga programa at inisyatiba ng SK sa kanilang barangay.

Ang patuloy na pagrepaso ng SB sa mga budget at ordinansa ay isang hakbang upang mapanatili ang maayos at epektibong paggamit ng pondo para sa kapakanan ng bawat barangay. (RGDS/RSO; SB)

#TeamQuiambalSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka