Ang staff ng ESWMO-Bayambang na si Julius Cesar R. Bato ay nagbahagi ng isang simpleng paraan na sinubukan ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan para sa pag-divert ng kitchen at food waste upang maging compost.
Narito ang kanyang sinundang proseso:
1. Inipon muna ang kitchen at food waste sa isang lumang waste bin (plastic drum) at hinayaang bahagyang mabulok. Tinatayang nasa 15 kilo ang naipong biodegradable waste.
2. Nang mapuno ang waste bin at nagsimula nang ma-decompose ang mga food waste, inilipat ito sa isang maliit na espasyo ng lupa na may sukat na approx. 2 m x 0.5 m, at hindi na kinakailangan na maghukay pa ng malalim.
3. Upang makatulong sa pag-iwas sa mabahong amoy, tinabunan lamang ng manipis na lupa ang mga decomposing waste.
4. At uulitin lang ang proseso para sa isang sustainable na waste management, at hindi one-time, big-time na gawain.
Layunin sa gawaing ito:
1. Mahikayat ang mga household na nasa 11 urban barangays na mag-divert ng kanilang biodegradable waste, at ipakita na hindi hadlang ang kawalan ng malaking espasyo.
2. Makatulong sa layunin ng ating bayan na “90% waste diversion by the end of 2028” ayon sa BPRP 2018-2028.
3. Ipakita sa publiko na may willingness at disiplina ang mga Bayambangueño pagdating sa pag-ambag sa local waste management; na ito ay hindi para lamang kung sino ang gustong sumunod sa batas (RA 9003), kundi ito ay responsibilidad ng bawat isa.
(JCB/RSO; JCB)





