Silage Production Training, Malaking Tulong sa Corn Farmers at Livestock Owners

Isang two-day training sa production strategies upang gumawa ng silage o isang uri ng feeds para sa mga alagang hayop ang isinagawa ng Agriculture Office para sa mga corn farmer at livestock owner upang gawing karagdagang kita sa pagsasaka at gumawa ng sariling feeds na ipapakain sa kanilang mga alagang hayop.

Ang lecture ay isinagawa noong May 27, 2025, sa Brgy. Nalsian Norte at ang hands-on training naman ay isinagawa kinabukasan, May 28, sa Bayambang Dairy Farm sa Brgy. Mangayao.

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, naroon si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, upang maghatid ng mensahe at bumati sa mga attendees.

Nagsilbing resource speaker ang mga eksperto mula sa LGU-Balungao, Office of the Provincial Agriculturist, Department of Agriculture-Regional Field Office I, at sina Kasama Kita sa Barangay COO Romyl Junio at Bayambang Dairy Farm Operations Manager Samuel Lomboy Jr.

Ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang barangay mula sa District 1, 2, 4, 6, 7, at 8. (RMCT/RSO; JMB, MAO)

#TotalQualityService

#Niñaarotaka