Sibol MPC, Nagsponsor ng Outreach Program

Ang Sibol Multi-Purpose Cooperative ay nagsponsor ng isang outreach activity ngayong araw, December 29, 2025, para sa mga dating estudyante ng STAC-Bayambang, sa Balon Bayambang Events Center.

Kabilang sa mga sponsor sina Dra. Adrienne Estrada, Lady Philina Duque, Armando Agbuya, Princesita Sabangan, Ma-Lene Torio, at Edward Dulay na pawang mga empleyado ng LGU-Bayambang.

Ang programa ng Sibol MPC ay naghatid ng tuwa at saya sa mga graduate ng STAC, kaya’t labis ang kanilang pasasalamat at sila ay naalala pa rin sa panahon ng Kapaskuhan. (RSO; Sibol MPC)