SGLG 2024, Nasungkit ng Bayambang!

Ang LGU-Bayambang ay nabubunyi sa isa na namang karangalang nakamit nito, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa taong 2024.

Ang pinakamataas na pagkilalang ito para sa isang LGU mula sa national government ay sumasalamin sa masigasig, maayos, tapat, at epektibong panunungkulan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa bawat Bayambangueño at sa pinablin bayan ng Bayambang, sa gabay ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Congratulations, LGU-Bayambang!